Labi ng 36 na nasawi sa sunog sa NCCC Mall, isasailalim sa DNA test

By Rohanisa Abbas December 26, 2017 - 10:27 AM

Presidential Photo

Nakatakdang isailalim sa DNA testing ang mga labi ng 36 biktima ng sunog sa New City Commercial Corporation (NCCC) Mall sa Davao City.

Ito ay para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Noong Lunes ay nakuha ang mga biktima sa ikaapat na palapag ng mall kung saan matatagpuan ang SSI Call Center.

Karamihan sa mga nasawi ay empleyado ng SSI.

Hindi pa rin tiyak ang sanhi ng sunog.

Sa isang panayam, sinabi ni Fire Superintendent Joanne Vallejo, tagapagsalita ng Burea of Fire Protection (BFP), na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Sumiklab ang sunog sa NCCC Mall noong December 23.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, fire incident, nccc mall, Davao City, fire incident, nccc mall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.