10 BIFF members patay sa airstrike ng militar sa Maguindanao

By Chona Yu December 26, 2017 - 10:02 AM

Patay ang sampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos magsagawa ng airstrike ang militar sa datu unsay, maguindanao kaninang alas dos ng madaling araw.

Ayon sa militar, sinalakay muna ng BIFF ang Kato detachment ng 5th infantry battalion sa Sitio Makun, Barangay Maitumaig, Datu Unsay at saka sinunog ang tatlong bahay alas 10:00 ng Lunes araw ng Pasko.

Dahil dito, agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga sundalo laban sa mga miyembro ng BIFF.

Dalawang attack helicopter ang agad na pinadala ng militar sa kuta ng BIFF.

Gumamit pa ng 105mm howitzer cannon ang militar kung kaya nasapol ang mga ito.

Bukod sa mga nasawi, ilan pang miyembro ng BIFF ang nasugatan.

Kinumpirma rin ng mga lider sa Barangay Maitumaig na sampung BIFF ang napatay ng militar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bangsamoro islamic freedom fighters, Datu Unsay, maguindanao, bangsamoro islamic freedom fighters, Datu Unsay, maguindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.