Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na kinunsulta muna siya ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte bago ito sa pwesto.
Ayon sa pangulo, pinayuhan lamang niya ang kanyang anak na gawin kung ano ang sa tingin niya ang tama.
Iginiit pa ng pangulo na hindi niya binigyan ng suhestyon ang kanyang anak na magbitiw.
“Nagtanong siya kagabi. Doon kami nagkita-kita kami doon sa, ‘yung magkapatid, si mayor pati siya. Habang naghihintay kami ng balita, tinanong niya ako. Sabi ko sa kanya, ikaw. You… you are in a position to do what is right. Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo. I never suggested any resignation,” ayon sa pangulo.
Dagdag ang pangulo na maaring nasaktan ang kanyang anak sa pagkakadawit sa P6.5 billion na shabu shipment at maging sa away nila ng kanyang anak na si Isabelle Duterte matapos ang photoshoot sa Malakanyang.
Ayon sa pangulo, maaring napuno na si Paolo dahil para sa kanya hindi patas na idawit ang kanyang pangalan sa shabu shipment at ipatawag pa sa pagdinig sa kongreso.