Walang cover up sa sunog sa NCCC Mall – Duterte

By Chona Yu December 26, 2017 - 08:24 AM

Presidential Photo

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang magiging cover up at lalabas ang katotohanan sa naganap na sunog sa NCCC Mall sa Davao City kung saan 37 katao ang nasawi.

Ayon sa pangulo, ito rin ang kanyang ipinangako sa mga pamilya ng 37 nasawi matapos ang kanyang pakikipagpulong Lunes ng gabi.

Pinayuhan din ng pangulo ang mga pamilya ng mga nasawi na i-cremate na lamang ang mga labi dahil nasunog na ang kanilang katawan.

Ito rin aniya ang mabuting paraan para mabigyan ng maayos na burol ang mga nabiktima ng sunog.

Sinabi pa ng pangulo na tutulong ang gobyerno sa pinansyal na gastusin sa pagpapalibing sa lahat ng nasawi sa sunog.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, fire incident, NCC Mall, Rodrigo Duterte, Davao City, fire incident, NCC Mall, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.