Partas Bus, sususpendihin ng LTFRB; binigyan ng hanggang 12nn para isumite ang card ng dashcam at GPS data

LTFRB PHOTO

Papatawan ng preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Partas Bus.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, ito ay kapag hindi pa rin naisumite ng kumpanya hanggang mamayang tanghali ang dashcam card at GPS data ng bus na nasangkot sa aksidente sa La Union.

Ani Lizada, mahigit 24 oras na simula nang maganap ang insidente.

Dakong alas-3:30 ng madaling araw ng Lunes, bumangga ang isang jeep sa bus sa kahabaan ng Manila North Road sa Barangay San Jose Sur sa Agoo, La Union.

Nasawi sa insidente ang 20 katao habang sugatan ang 15 iba pa.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ng isa pang sasakyan ang jeep at bumangga sa bus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...