PULITIKONG KINAIINISAN NG PANGULO, SOLO-LAKAD NA LANG SA KANIYANG MGA SORTIES ni Den Macaranas

den-macaranas1Desidido sa kanyang ambisyon ang bida sa ating kwento ngayong araw na ito.

Kahit na hindi sinasamahan ng kanyang mga kaalyado sa pukitika ay dumidiskarteng mag-isa si Mr. Politician para lamang maipakilala ang kanyang sarili lalo na sa malalayong lalawigan ng bansa.

Isang Bank owner ang matiyaga niyang supporter ang nagpapahiram sa kanya ng isang helicopter para makaikot sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Sinabi nang ating Cricket na halos ay tatlong beses sa loob ng isang linggo ang ginagawang pag-iikot ng mambabatas na ito para lamang matiyak na magmamarka ang kanyang mukha sa isipan ng mga botante hanggang sa mismong araw ng eleksyon.

Pero ang ipinagtataka ng marami ay kung saan talaga kumukuha ng malaking halaga ng kwarta ang ating bida.

Wala naman siyang negosyo at masyadong tago ang kanyang mga taga-suporta kaya mahirap hulihin kung saan ba talaga siya kumukuha ng pondo para sa preparasyon nya sa 2016.

Sa pagtatanong ng ating Cricket ay napag-alaman natin na matagal na palang nag-iipon ang mambabatas na ito.

Yung iba sa kanyang pondo ay “clean money” pero karamihan sa mga ito ay galing sa mga negosyante na kanyang ginulangan gamit ang makapangyarihang committee na dati niyang pinamumunuan.

Kumbaga ay noon pa ay plano na talaga niya ang mas mataas na pwesto kaya naging maaga ang paghahanda nya sa 2016.

Malinis magtrabaho ang pulitikong ito at wala sa kanyang itsura ang gagawa ng kalokohan pero sadyang iba daw ang kanyang talas sa pera.

Pati ang dating First Gentleman ay napabilib sa husay ng pulitikong ito hanggang sa pati ang kanyang pamilya kasama ang dating Pangulo ay gipitin ng pulitikong ito na nanguna noon sa ilang expose’ kuno laban sa nakaraang pamahalaan.

Pera ang sinasabing dahilan kaya masipag kahit sa mga walang ka-kwenta-kwentant imbestigasyon ang ating bida.

Bukod sa mas mataas na pwesto, planado na rin ang kanilang plano para sa isa na namang “Political Dynasty” sa loob ng Philippine Politics.

Ang kanyang misis, kapatid na babae at bunsong kapatid na lalaki ay tatakbo sa magkaka-ibang pwesto sa susunod na taon.

Siya na nagsasabing panahon na para matigil ang political dynasty ay siyang nagtataguyod nito sa ngayon at kulang na lang na pati ang kanyang mga aso ay patakbuhin nya sa 2016.

Sa hanay ng mga pulitiko ay hirap na makakuha ng suporta ang ating subject sa umagang ito dahil sa kanyang pagiging taklesa.

Pati ang Pangulo ay hindi maka-move-on sa mga parinig nya noong hindi pa magka-alyado ang kanilang mga partido at ito daw ang dahilan kaya hindi sya kasama sa shortlist ng Malacanang ng mga kandidatong tutulungan sa susunod na halalan.

Kahit pa nakiusap sya sa isang iginagalang na opisyal ng Liberal Party para ikampanya sya sa Pangulo ay wala ring nangyari dahil talagang badtrip daw sa kanya si PNoy.

Iyun ang mga dahilan kaya “lone ranger” ngayon ang peg ng pulitikong ito.

Ang pulitiko na nagsosolo sa maagang pangangampanya ay walang iba kundi si Mr. A….as in Ako Pa!

Read more...