Pampasaherong bus nahulog sa bangin sa Quezon, 10 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2017 - 06:21 AM

FB Photo | MJ Villanueva

Isang pampasaherong bus ang nahulog sa bangin sa Barangay Bagong Silang, Tagkawayan, Quezon.

Hindi bababa sa 10 ang nasugatan sa nasabing aksidente na naganap pasado alas 12:00 ng madaling araw.

Sangkot sa aksidente ang AB liner bus na may body number na 3088.

Binabaybay ng AB liner bus ang kahabaan ng Quirino Highway nang mahulog ito sa bangin.

Dalawa sa mga nasugatan ay isinugod sa ospital sa Calauag at walo naman ang dinala sa pagamutan sa Tagkawayan.

Mabilis na na-rescue ang mga pasahero ng bus dahil may malapit na tauhn ng Philippine Army sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.

 

 

 

 

 

TAGS: AB Liner, bus accident, Tagkawayan Quezon, AB Liner, bus accident, Tagkawayan Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.