11-anyos, patay nang madamay sa pananaksak sa Tondo

 

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang 11 taong gulang na bata matapos madamay sa insidente ng pananaksak sa Quezon St., Tondo Maynila.

Nagawa pang isugod sa ospital ang grade 5 student na biktima na si Alvin Cris Pancho pero agad din na binawian ng buhay bunsod ng saksak sa likod.

Sugatan naman si Nestor Adelantado matapos masaksak sa kanang balikat.

Sa imbestigasyon ng MPD Homicide, nagtalo sina Adelantado at ang suspek na nakilalang si Jojo Solo sa hindi malamang dahilan.

Bigla na lang kumuha ng kitchen knife ang suspek at inundayan ng saksak si Adelantado.

Nagkataon na naglalakad noon sa kalsada si Pancho na naundayan din ng saksak.

Agad namang tumakas ang suspek na patuloy pang tinutugis ngayon ng mga pulis.

Walang CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.

Read more...