Libu-libong motorista, naipit sa higit 6 oras na Christmas traffic sa Nuvali, Sta. Rosa

By Jay Dones December 26, 2017 - 02:52 AM

 

Matinding dilubyo ang inabot ng mga residente at motoristang namamasyal sa ilang mga sikat na pasyalan sa Sta. Rosa, Laguna at Tagaytay sa Cavite matapos abutin ng matinding traffic nitong araw ng Pasko.

Nagmistulang parking lot ang kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaytay road dahil sa matinding volume ng sasakyan na naipon sa lugar.

Mula sa dating kalahating oras, inabot ng mahigit anim na oras ang byahe ng mga sasakyan mula Tagaytay at Silang sa Cavite kagabi upang makababa lamang sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.

Wala pang 7 kilometro ang distansya mula bayan ng Silang hanggang Nuvali, sa Sta. Rosa.

Marami sa mga residente ang napilitang maglakad na lamang sa lansangan dahil sa kawalan ng masasakyan dahil hindi makagalaw ang mga sasakyan.

Ang matinding volume ng mga sasakyan at dami ng taong namasyal sa Nuvali-Solenad ang itinuturong dahilan ng higit 6 na oras na gridlock ng mga sasakyan.

Malaking dahilan din sa matinding traffic ang kawalan ng disiplina ng mga motorista sa pag-counterflow sa pagmamaneho kaya’t naging problema ang bottleneck ng mga sasakyan sa Nuvali-Solenad na sakop ng Sta. Rosa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.