Ayon kay CNN Philippines Director Benjamin Ramos, ang mga natanggal na manggagawa ay pawang mga baguhang empleyado at contractual employees.
Bahagi aniya ito ng manpower adjustment program ng kumpanya. Tinawag ni Ramos na ‘right-sizing’ program ang ipinatupad na pagbabawas ng mga empleyado.
Sinabi pa ni Ramos na ang mga na-retrench na empleyado ay pawang bahagi ng programming, technical at operation side ng CNN Philippines.
“We developed some programs when we started and we hired too many people. So we’re making adjustments,” ayon kay Ramos sa panayam ng Inquirer.
Ayon kay Ramos isasaayos din nila ang kanilang mga programa para makapag-alok ng kakaiba sa mga programa ng mga kalabang news channel.
Inanunsyo ang operasyon sa bansa ng CNN Philippines noong 2014 ka-partner ang Nine Media Group ng negosyanteng si Antonio Cabangon-Chua.