36 na bangkay ng mga na-trap sa nasunog na mall sa Davao City nakuha na

By Den Macaranas December 25, 2017 - 07:18 PM

File photo

Narekober na ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang katawan ng 36 katao na na-trap sa nasunog sa New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Davao City.

Nagsimula ang sunog sa naturang mall noong Sabado ng umaga.

Personal na inanunsyo ni Davao City Mayor Sarah Duterte ang pagkaka-rekober sa nasabing mga labi makaraan ang misa na ginanap kaninang hapon.

Ipinaliwanag ni Duterte na mismong si Davao City Fire Marshall Senior Superintendent Wilberto Rico Niel Kwan Tiu ang nagbilang ng mga bangkay.

Sinabi ni Tiu na natagpuan ang mga sunog na bangkay sa ikaapat na palapag ng mall kung saan matatagpuan ang SSI Call Center.

Karamihan sa mga namatay ay pawang mga empleyado ng SSI.

Nangako naman ang nasabing kumpanya na tutulong sila sa pagpapalibing sa mga namatay sa trahedya.

TAGS: duterte, mall fire, nccc, tiu, duterte, mall fire, nccc, tiu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.