Mga pasahero dagsa pa rin sa Araneta Bus Terminal sa Cubao

By Angellic Jordan December 25, 2017 - 04:03 PM

Photo: Angellic Jordan

Patuloy pa rin ang pagdating ng mga pasahero sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City ngayong araw ng Pasko.

Tuloy pa rin ang biyahe ng ilang mga bus patungo sa iba’t ibang probinsiya tulad ng Rawis, Catarman, Catubig, Gubat, Bulusan, Bulan, Matnog, Sorsogon, Legazpi City at iba pa.

Karamihan sa mga pasahero ay bumibiyahe para naman salubungin ang Bagong Taon kasama ang mga kamag-anak sa kani-kanilang probinsiya.

Ayon sa pasahero na si Alicia Marfel, mas pinili ng kanilang pamilya na bumiyahe ngayong araw ng Pasko para hindi sumabay sa kapal at dami ng tao simula bukas.

Samantala, patuloy rin ang pag-antabay ng Quezon City Police para matiyak ang seguridad sa terminal.

TAGS: Araneta, Cubao, Pasko, Sorsogon, Araneta, Cubao, Pasko, Sorsogon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.