Davao City Vice Mayor Paolo Duterte nagbitiw na sa pwesto
Nagbitiw na sa kanyang posisyon si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Binasa ng bise alkalde ang kanyang resignation letter sa kalagitnaan ng ginaganap na special session ng city council kaugnay sa gagawing deklarasyon ng state of calamity sa mga lugar sa lungsod na naapektuhan ng bagyong Vinta.
Ipinaliwanag ni Duterte na may kaugnayan sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa pagpasok sa bansa ng iligal na droga na dumaan sa Bureau of Customs ang naging desisyon niya na bumaba sa pwesto.
Gusto umano ng opisyal na linisin ang kanyang pangalan sa nasabing isyu.
Binanggit rin ni Duterte ang kontrobersiyal na away nila ng kanyang anak na si Isabelle na umano’y kumaladkad sa kanilang pangalan sa nakasisirang estado.
Maaga pa lamang kanina ay nagpatawag ng special session si Duterte at nag-imbita rin ng mga miyembro ng media.
Sa paunang advisory, may importante umanong anunsyo ang vice mayor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.