Produktong petrolyo, posibleng tumaas sa Bagong Taon

Posibleng salubungin ng pagtaas sa produktong petrolyo ang publiko sa pagsisimula ng bagong taon.

Sa abiso ng Department of Energy (DOE), posibleng magkaroon ng dagdag sa presyo na 25 centavos kada litro ng gasolina.

Tinatayang 0.05 centavos naman ang itataas ng presyo ng kerosene kada litro.

Ayon sa DOE, batay ito sa pagbabago ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado ngayong linggo.

Gayunman, sinabi ng kagawaran na posible pang maapketuhan ng kalakalaan ang naturang presyo sa Biyernes, at ia-assess ito sa Lunes.

Batay sa datos ng DOE, kasalukuyang nagkakahalaga ng P31.65 hanggang P38.80 ang kada litro ng diesel, at P42.75 hanggang P52.65 ang kada litro ng gasolina.

 

Read more...