State of calamity, itinaas sa 2 bayan sa Zamboanga del Norte
Isinailalim na sa state of calamity ang dalawang bayan sa Zamboanga del Norte dahil sa pinsalang iniwang ng Bagyong Vinta.
Una nang itinaas ang state of calamity sa Gutalac kung saan hindi bababa sa 21 katao ang nalunod at pitong katao ang nawawala.
Hindi pa rin madaanan ang mga barangay ng Mamawan at Canupong dahil sa landslide at nasirang tulay na nag-uugnay sa mga bayan ng Baliguian at Siocon.
Itinaas din ang state of calamity sa bayan ng Salug.
Ayon sa ulat, narekober ang 13 bangkay sa lugar habang patuloy pang hinahanap ang apat na katao.
Sinalanta ng Bagyong Vinta ang Mindanao bago mag-Pasko na nagdulot ng flashfloods at landslides. Hindi bababa sa 200 katao ang iniwang patay ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.