8 katao patay sa jeep na nahulog na bangin sa Cotabato

By Chona Yu December 25, 2017 - 11:08 AM

Patay ang walo katao matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa President Roxas, Cotabato.

Ayon sa ulat, nawalan ng preno ang jeep sa kurbadang bahagi ng kalsada dahilan para mahulog sa bangin na may lalim na 60 talampakan.

Galing ng Kidapawan City ang jeep at patungo sana ng Arakan nang maganap ang aksidente.

Puno ng pasahero at mga kargamento ang naaksidenteng jeep.

Isinugod naman sa pagamutan ang ilan pang pasahero na nasugatan.

TAGS: aksidente, bangin, Cotabato, Jeep, patay, aksidente, bangin, Cotabato, Jeep, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.