China, kinumpirma ang “makatwirang” pagpapalawak sa isla sa South China Sea
Kinumpirma ng China ang anila’y “makatwirang” pagpapalawak pa sa mga isla sa pinag-aagawang South China Sea.
Batay sa panibagong ulat ng gobyerno ng China, kabilang dito ang tinatayang 290,000 square meters na lawak ng radar facilities.
Muli ring nanindigan ang China na maaari nitong gawin ang anumang naisin nito sa teritoryo nito.
Ayon sa National Marine Data and Information Science ng China, pinaigting din ang presensya ng militar sa rehiyon.
Ipinahayag ng China na maktutulong ito sa international services, gaya ng search and rescue.
Magugunitang ipinagpatuloy pa rin ng China ang land reclamation sa South China Sea sa kabila ng mga pag-alma ng mga bansa, kabilang Pilipinas, na may inaangkin bahagi sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.