Bilang ng nasawi sa salpukan ng bus at jeep sa La Union, umabot na sa 20

By Chona Yu December 25, 2017 - 10:42 AM

LTFRB

Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa salpukan ng bus at jeep sa Barangay San Jose Sur sa Agoo, La Union kaninang madaling araw.

Ayon kay Chief Inspector Roy Villanueva, pawang dead on arrival sa pagamutan ang 20.

Samantala, nakalabas na rin ng ospital ang 15 iba pa matapos malapatan ng lunas ang mga tinamong sugat.

 

Sinabi ni Villanueva na naabisuhan na ng kanilang hanay ang mga pamilya ng mga nasawi.

Patuloy pa aniya ang ginagawang imbestigasyon ng Agoo police.

Patungo sana ng Manaoag, pangasinan ang mga sakay ng jeep para magsimba nang makasalpukan ang Partas bus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.