19 katao patay; 25 iba pa sugatan sa banggaan ng jeep at bus sa La Union

By Chona Yu December 25, 2017 - 09:20 AM

LTFRB

Patay ang 19 na tao kabilang ang ilang bata at sanggol habang 25 iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang isang pampasaherong jeep at bus sa Agoo, La Union kaninang alas-3:30 ng madaling araw.

Ayon kay Chief Inspector Roy Villanueva, ang hepe ng Agoo police station, binabaybay ng jeep ang kahabaan ng southbound lane ng Manila North Road sa Barangay San Jose at mago-over take sana sa isa pang sasakyan nang makasalpukan ang Partas bus na nasa northbound lane.

 

Dahil sa lakas ng salpukan, patay ang 19 sa 29 na pasahero ng jeep.

Labinlima naman sa mga pasahero ng bus ang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Villanueva, kabilang sa mga nasawi ang pitong buwang sanggol.

Maari aniyang magkakamag-anak ang mga sakay ng bus at maaring galing sa Barangay Pila sa bayan ng Bauang sa La Union.

Patungo sana sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag sa Pangasinan ang mga sakay ng jeep at hinahabol na makapagsimba sa Christmas Mass.

TAGS: aksidente, bus, Crash, Jeep, La Union, patay, aksidente, bus, Crash, Jeep, La Union, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.