PNP Chief Dela Rosa, nagsagawa ng inspeksyon sa police stations, checkpoints at Luneta Park ngayong Pasko

By Mark Makalalad December 25, 2017 - 08:25 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Habang nagno-noche buena ang karamihan, nagsagawa ng inspeksyon si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa ilang police station, checkpoint at Luneta Park.

Kasama sina National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde, Southern Police Director Tomas Apolinaro Jr., Manila Police Director Joel Coronel at Pasay Police Chief Dionisio Bartolome, sorpresang ininspeksyon ang mga istasyon ng Makati, Malate at Ermita.

Nag-ikot din sina Dela Rosa sa Luneta at tinignan ang police visibility sa checkpoint sa Pasay.

Ayon kay Dela Rosa, ayaw nilang magpakampante ngayong Pasko kaya mas mahigpit ang seguridad lalo na sa matataong lugar.

Pinaalalahan din nila ang mga pulis sa istasyon na kanilang binisita na huwag masangkot sa indiscriminate firing kagaya na lamang ng nangyari kay PO1 Arnold Sabillo na isang pulis-Montalban na naaresto dahil sa indiscrimate firing sa Pasig.

Nabatid sa police report na nakumpiska kay Sabillo ang isang 9mm Beretta na may lamang 11 mga bala habang 3 basyo naman ng bala ang natagpuan sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, hinikayat din ni Dela Rosa ang publiko na huwag nang magpaputok lalo sa Bagong Taon.

TAGS: albayalde, bato, dela rosa, inspection, Pasko, PNP chief, albayalde, bato, dela rosa, inspection, Pasko, PNP chief

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.