Isang opisyal ng gobyerno, may isisiwalat tungkol sa Dengvaxia issue – Aguirre

By Kabie Aenlle December 25, 2017 - 05:04 AM

Isang opisyal ng gobyerno ang nagpahayag ng kahandaan na sabihin ang lahat ng kaniyang nalalaman tungkol sa mga hinihinalang anomalya sa dengue immunization program na ipinatupad ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, lumapit sa kaniya ang isang opisyal na itinuturing niyang napaka-importanteng testigo.

May nalalaman aniya kasi ito tungkol sa transaksyon ng gobyerno para sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine mula sa simula hanggang sa ito’y matapos.

Hindi na muna pinangalanan ni Aguirre ang nasabing opisyal upang hindi naman mapangunahan ang imbestigasyon.

Ayon pa kay Aguirre, magkikita sila ng naturang opisyal pagkatapos ng Christmas break.

Matatandaang matapos masampahan ng kaso noong Biyernes sina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Health Sec. Janette Garin at anim na iba pa kaugnay ng Dengvaxia issue, nagpalabas na si Aguirre ng lookout bulletin order laban sa kanila.

Sinampahan sila ng kaso ng Gabriela party-list sa ngalan ng mga estudyanteng naturukan ng Dengvaxia na ayon sa pag-amin ng Sanofi Pasteur ay maaring magdulot ng severe dengue sa mga hindi pa tinatamaan ng sakit bago mabakunahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.