Kaiba sa mga naunang Misa de Gallo, mas mahigpit ang segurirad ngayon na ipinatupad sa bisinidad ng Quiapo church.
Kung dati kasi ay may mga rumoronda lang na mga pulis para magbantay sa lugar, kapansin-pansin ngayon ang presensya ng Special Weapons and Tactics ng Manila Police District.
Nasa 18 myembro ng SWAT na armado ng baril at nakasakay sa motor ang nakapalibot sa simabahan ng Quiapo na nagbigay seguridad sa Christmas Eve mass.
Wala naman umanong banta pero ito raw kasi ang kautusang ibinaba mula sa National Capital Region Police Office.
Matatandaang nitong Mayo ay niyanig ang Quiapo ng kambal na pagsabog na ikinasawi ng 2 tao ay ikinasugat naman ng 6 na iba pa.
Samantala, umapaw naman ang Quiapo Church dahil sa dami ng mga tao na dumagsa para dumalo sa huling misa bago mag-Pasko.