Cheska Garcia nabiktima ng prank ng asawang si Doug at mga anak

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 08:36 PM SHARE(S):
COURTESY: Doug Kramer Instagram

Nakipagkuntsabahan ang basketball player na si Doug Kramer sa kanyang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin para i-prank ang kanyang asawang si Cheska Garcia.

Sa isang Instagram post ni Doug, ipinakita nito ang video kung saan ipinaliwanag muna niya ang prank na gagawin gamit ang laruang Boom Blast Stix.

Paliwanag ni Doug, sumasabog ang naturang laruan kapag masyado nang mabigat ang pinagpatung-patong na Blast Stix.

Dahil hindi alam ni Cheska kung paano gumagana ang naturang laruan ay isa-isa niyang inilalagay ang mga Blast Stix sa isang lalagyan.

Laking gulat na lamang ni Cheska ng biglang sumabog sa kanyang harapan ang laruan at ikinatuwa ni Doug at kanilang mga anak ang natural na reaksyon ng asawa.

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 300,000 likes ang naturang video.

 

 

Hahaha the kids and I played a prank on chesca! Her face in the end says it all! 😂😂

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer) on Dec 22, 2017 at 5:57am PST

TAGS: Cheska Garcia, Doug Kramer, Cheska Garcia, Doug Kramer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.