Bong Revilla, nakaalis na ng PNP Custodial Center para makasama ang pamilya ngayong Pasko
Pansamantalang makakalaya si dating senador Bong Revilla para makasama ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko, matapos aprubahan ng Sandiganbayan ang kanyang hiling.
Kaninang alas-10 ng umaga ay nakaalis na ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center si Revilla, lulan ng isang puting coaster.
Byaheng Bacoor, Cavite si Revilla kung saan niya ipagdiriwang ang bisperas ng Pasko, habang sa Imus, Cavite naman dederetso si Cambe para makasama ang kanyang kapatid.
Batay sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan First Division, kapwa maaaring makasama nina Revilla at dating staff na si Richard Cambe ang kanilang mga pamilya simula alas-11 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi ngayong araw.
Ang naturang desisyon ay masmaikli sa naunang kahilingan ni Revilla na makasama ang kanyang pamilya mula December 24 hanggang 25, at December 31 at January 1.
Kaugnay ng pagpayag sa pansamantalang paglaya ng dalawa ay ipinagbabawal ang anumang interview sa media.
Kapwa nakakulong si Revilla at Cambe dahil sa kinakaharap na paglilitis tungkol sa maanumalyang paggamit ngPriority Development Assistance Fund (PDAF).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.