VP Robredo, hiling na alalahanin ng lahat ang mga Maranao ngayong Pasko

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 03:58 PM

“Alalahanin natin ang mga kapatid nating nasa Marawi.”

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo para sa lahat ngayong bisperas ng Pasko.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na ang Pasko, partikular na para sa mga Pilipino, ay ang panahon ng pagkakaisa, pasasalamat, pagmamahalan, at pagpapatawad.

Ayon pa kay Robredo, bagaman mahirap para sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City ang harapin ang Pasko, ay sa tulong ng pagkakaisa ng lahat ay malalagpasan rin ang kalungkutang dala ng gulo.

Paalala pa ng bise presidente, mararamdaman ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagsisilbi sa ating kapwa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.