Torotot festival at iba pang merry making activities sa Davao, kanselado

INQUIRER FILE PHOTO

Kinansela na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang lahat ng Merry making activities sa siyudad ngayong panahon ng Pasko.

Sa press briefing sa Davao City, sinabi ni Duterte na ito ay dahil sa nagdadalamhati ang siyudad matapos malubog sa baha bunsod ng bagyong Vinta at masunog ang NCCC mall kung saan tatlumpu’t pito katao ang na-trap.

Kabilang sa mga nakansela ang taunang Torotot Festival.

Hindi aniya ngayon ang tamang panahon para magsaya at magparty party.

Sa halip, hinimok ni Duterte ang kanyang mga kababayan na samahan ang kani-kanilang pamilya para taimtim na magdiwang ng Pasko.

Hinimok din ni Duterte ang mga taga Davao na tumulong sa pagre-repack ng mga relief goods na ibibigay sa mga pamilyang nabaha.

Hiniling din ni Duterte sa City Council ng Davao na aprubahan na ang paggamit sa natitirang P86 million pesos na calamity fund.

Sa ngayon, nasa 18,600 na pamilya pa aniya ang nananatili sa mga evacuation centers.

Aabot sa dalawampu’t limang barangay ang naapektuhan ng pagbaha sa Davao.

Read more...