Duterte, ipapakulong ang mga pulis na mapapatunayang nang-aabuso sa war on drugs
“Bibigyan ko kayo ng katarungan”.
Ito ang Christmas message ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay matapos madamay dahil sa kampanya kontra sa ilegal na droga.
Sa panayam ng Nueve Nubenta Report ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tiyak na ipakukulong ng pangulo ang mga pulis na mapatutunayang na nang abuso sa kanilang kapangyarihan habang tumutupad sa kanilang tungkulin kontra sa ilegal na droga.
“Malinaw naman ang sinabi ng ating presidente. sagot niya ang kapulisan kung ang mga nangyaring patayan ay sang-ayon sa batas. pero kung ito po ay iligal, ito ay krimen na murder, ipakukulong niya yan. ang mensahe po ng presidente, bibigyan po ang lahat ng katarungan,” ani Roque
Gayunman, sinabi ni Roque na malinaw naman ang mensahe ng pangulo na sagot niya ang mga pulis basta’t maayos lamang na nagtatrabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.