Ito ay matapos masunog ang apat na palapag na gusali kung saan tatlumpu’t pito katao ang na-trap sa sunog.
Sa panayam ng Nueve Nubenta Report ng Radyo Inquirer, sinabi ni BFP Director Chief Supt. Leonard Bañago na sampung taon na ang gusali.
Sa ngayon aniya, wala nang last minute inspection na ginagawa ang BFP sa mga establisyimiento para maiwasang maakusahan o mabahiran na namamasko ang kanilang mga tauhan.
Sa enero na aniya ng susunod na taon muling ipagpapatuloy ang pag iinspeksyon sa mga establisyimiento.
Gayunman, sinabi ni Bañago na maaari namang makapagsagawa ng inspeksyon ang BFP kung mayroon reklamo na matatanggap ang kanilang hanay o nalalagay na sa peligro ang buhay ng publiko.
Muli ring nagpaalala ang BFP sa publiko na maging mapagmatiyag at bantayang maigi ang mga niluluto o ang mga nakasaksak na appliances lalo na kung nagkakasiyahan.
Karaniwan kasi aniyang sanhi ng sunog ang overloading ng mga appliances at ang kapabayaan ng publiko.