Bagyong Vinta, nakalabas na ng bansa

By Angellic Jordan December 24, 2017 - 01:35 PM

Nakalabas na ang bagyong Vinta ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 290 kilometers South ng Pagasa Island, Palawan.

Nananatili pa rin ang lakas nito na 120 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 145 kph.

Tinatahak nito ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 26 kph.

Bunsod nito, inialis na ang lahat ng tropical cyclone warning signal sa bansa.

Gayunman, makakaranas pa rin ng katamtaman hanggang malakas na pagbugso ng ulan ang Palawan lalo na ang timog na bahagi nito.

Inabisuhan pa rin ang mga residente sa posibleng pagbaha at landslides sa nabanggit na lugar.

Dagdag pa ng PAGASA, patuloy na makipag-ugnayan sa mga local disaster risk reduction and management offices at tutukan ang anumang update hinggil sa bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.