Isang bangkay, narekober sa nasunog na mall sa Davao City

Isang bangkay na ang narekober ng Bureau of Fire Protection mula sa nasunog na NCCC mall sa Davao City.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, kaninang umaga lamang narekober ang nasabing bangkay.

Nabatid na sa loob ng call center company natagpuan ang bangkay.

Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ang tatlumpu’t anim na iba na na-trap sa sunog.

Kasabay nito, umapela si Duterte sa publiko na makidalamhati sa mga pamilya ng tatlumpu’t pito na na-trap sa loob ng gusali.

Read more...