Nawawalang dalagita na si Ica Policarpio, natagpuan na sa Laguna

By Mariel Cruz December 24, 2017 - 10:09 AM

PHOTO: Bea Policarpio | FB post

Nagtapuan na ang 17-year-old na si Ica Policarpio na napaulat na nawawala simula pa noong Huwebes sa Muntinlupa City.

Mismong ang kapatid ni Ica na si Bea Policarpio ang nagkumpirma ang nasabing balita sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ayon sa ulat, natagpuan ang dalagita sa San Pablo City, Laguna.

Sinabi naman ni Bea Policarpio na nasa mabuting kalagayan naman si Ica, at kasama na ng kanilang pamilya.

Dahil sa pagkawala ni Ica, nanawagan ng tulong ang kanyang pamilya sa buong bansa sa pamamagitan ng social media.

Magpapatuloy aniya ang isinasagawang imbestigasyon kung paano nawala ang dalagita.

Nagpasalamat naman si Bea sa publiko sa ibinigay na tulong para mahanap ang kanyang kapatid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.