37 katao, pinangangambahang namatay sa sunog sa isang mall sa Davao City

By Mariel Cruz December 24, 2017 - 08:51 AM

Pinangangambahang aabot sa tatlumpu’t pito katao ang nasawi sa naganap na sunog sa isang shopping mall sa Davao City.

Ito ang inihayag ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte matapos magtungo sa NCCC Mall kasama ang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na “zero chance” o wala nang tyansang mabuhay ang mga biktima na naipit sa trahedya.

Ayon kay Police Officer Ralph Canoy, umaga ng Sabado sumiklab ang sunog sa apat na palapag ng NCCC Mall, at hindi na nakalabas ng mga tao sa loob, partikular na ang mga empleyado ng isang call center company na nasa tutok na bahagi ng gusali.

Hanggang kaninang madaling araw ay hindi pa rin naaapula ang sunog.

Nagsimula aniya ang sunog sa ikatlong palapag kung saan matatagpuan ang mga tela, wooden furniture, at plastic ware.

Sinabi ni Canoy na mabilis kumalat ang apoy sa gusali, at nahihirapan ang mga bumbero na apulahin ito.

Una nang binisita ni Pangulong Duterte ang nasabing mall, gabi ng Sabado, kung saan nakapulong nito ang pamilya ng mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.