MMDA traffic enforcer arestado dahil sa pagbebenta ng free passes sa MMFF

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 06:51 AM

Pag-aaralan ng Metropolitan Manila Developent Authority (MMDA) ang kanilang polisiya tungkol sa pamamahagi ng mga free passes para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay matapos mahuli ang dalawang kawani ng MMDA, kabilang ang isa nilang traffic enforcer, na ibinibenta ang kanilang mga free passes sa social media.

Nagpahayag ng pagkadismaya si MMDA general manager at MMFF executive committee chair Tim Orbos sa ginawa ng kanilang mga empleyado.

Aniya, hindi silang mag-aatubiling magsampa ng kaso laban sa dalawa.

Sa pamamagitan ng entrapment operation ay naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Cyrile Pama, isang traffic enforcer, at dalawang iba pa, kabilang ang isang empleyado ng MMDA.

Ani Orbos, posibleng ilang taon nang ginagawa ni Pama ang kanyang modus dahil batay sa kanyang Facebook posts noong nakaraang taon ay nakapagbenta na ito ng dalawang MMFF passes sa halagang P500.

Bilang pag-iingat, sa susunod na taon aniya ay magkakaroon sila ng mas mahigpit na pamantayan sa pagbibigyan ng mga free MMFF passes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.