Duterte: ‘Zero chance of survival’ sa mga naipit sa sunog sa mall sa Davao

By Rhommel Balasbas December 24, 2017 - 06:30 AM

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng mga naipit sa sunog sa NCCC mall sa Davao City.

Maluha-luhang inanunsyo ng pangulo sa pamilya ng mga naiulat na naipit sa trahedya na walang tyansang mabuhay ang mga ito.

Ang 28 biktima ay pawang mga empleyado ng Survey Sampling International (SSI) – Davao, isang business process outsourcing company.

Bumuhos ang emosyon at halos mag-iyakan ang lahat ng tao sa inanunsyo ni Duterte.

Isa-isang nilapitan ng pangulo ang bawat tao bilang pakikiramay.

Nananatili namang positibo ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Davao Archbishop Romulo Valles hinggil sa insidente.

Sa panayam ng media kay Valles, wala anya silang magagawa sa ngayon ngunit mayroon anyang Diyos.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa naaapula ang sunog na nagsimula kahapon pa ng Sabado ng umaga.

TAGS: NCCC Mall Davao, NCCC Mall Davao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.