Bilang ng umaasa na magiging masaya ang Kapaskuhan, pinakamataas sa 14 na taon – SWS
Mas maraming Filipino ang umaasa na magiging masaya ang kanilang Pasko batay sa Fourth Quarter Social Weather Stations Survey.
Sa survey na isinagawa mula December 8 hanggang 16 ngayong taon, tatlo sa apat o 77 percent sa mga adult Filipinos ang umaasa ng masayang Pasko.
Nasa 18 percent naman ang balanse lang o maaaring magiging masaya o malungkot ito habang 5 percent ang nagsabing magiging malungkot ang panahong ito.
Ayon sa SWS ang bilang ng umaasa sa masayang Pasko ngayong taon ay ang pinakamataas sa loob ng 14 na taon.
Taong 2003 nang maitala ang kaparehong bilang na siyang second-highest naman sa kasaysayan matapos maitala ang 82 percent noong 2002.
Samantala, lumalabas din sa nasabing survey na apat sa lima o 81 percent ng mga Filipino ang nagsabing mas maganda ang magbigay o “better to give” ngayong Pakso kaysa tumanggap o “receive” na nakakuha lamang ng 19 percent.
Ang bilang ng mga umaasa ng masayang Pasko ay pinakamataas sa Mindanao na may 84 percent, sinundan ng Visayas na may 80 percent, Balance Luzon na may 75 percent habang pinakababa ang NCR na may 69 percent.
Naitala ang pinakamataas na ‘expectations’ sa masa Class D at very poor class E na may 78 at 75 percents kumpara sa 71 percent ng middle-to-upper classes ABC .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.