Empleyado ng Pasay City Hall at dalawang iba pa, pinagbabaril

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 05:22 AM

Patay ang isang empleyado ng Pasay City Hall matapos itong pagbabarilin sa tapat ng kanyang bahay sa Barangay 113 sa Pasay City.

Nag-iinuman lamang ang biktima at dalawang kasama nang lapitan ng riding in tandem at pagbabarilin.

Kinilala ang namatay na biktima na si Joselito Ocampo, 56 taong gulang na pinuno ng Pasay City Environment and Natural Resources Office (CENRO). Habang ang mga sugatan nitong kasama ay sina Dennis Gatchalian, 52 taong gulang na kagawad ng Barangay 118; at Tristan Ocampo, 34 na taong gulang na direktor ng isang punerarya sa Pasay City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Pasay City Police, nag-iinuman lamang ang tatlo sa tapat ng bahay ni Joselito nang bigla na lamang dumating ang mga salarin at walang habas na nagpa-ulan ng bala sa mga ito.

Matapos ang pamamaril ay agarang tumakas ang mga suspek gamit ang isang motor.

Mabilis namang naisugod sa San Juan de Dios Educational Foundation Incorporated Hospital ang mga biktima.

Stable na ang kundisyon nina Gatchalian at Tristan, habang namatay naman si Joselito sa kalagitnaan ng operasyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.