DZMM Anchor, ikinulong sa MPD, Radyo Inquirer reporter, nakaranas din ng harassment

By Donabelle Dominguez-Cargullo September 23, 2015 - 10:50 AM

MPD
Kuha ni Ruel Perez

Ikinulong sa Manila Police District (MPD) ang anchor ng DZMM na si Atty. Claire Castro, asawa nito at di napangalanan na secretary matapos umanong manggulo sa headquarters kagabi dahil sa pagtatanggol sa kanyang kliyente.

Sa panayam kay Castro, alas 6:30 ng gabi ng dumating siya sa MPD kasama ang asawa at kanyang sekretarya para saklolohan ang kliyenteng negosyanteng Tsinoy na nakilalang si Jackson Chua Jr.

Ayon kay Castro, inaresto kasi si Chua sa isang mall sa Maynila kung saan may usapan umano sila ng kanyang girlfriend na isang flight attendant at pinangalanan lamang na ‘Taylor’.

Agad ding ikinulong sa MPD si Chua nang walang warrant of arrest o anumang pormal na reklamo na ibinibigay ang mga pulis.

Pagdating sa MPD ay saka lang nalaman na inirereklamo umano ng paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children si Chua.

Pero ayon kay Chua, pinipilit umano sya ni ‘Taylor’ na bayaran ang bill sa credit card na P400,000 na nagastos ng babae nang bumiyahe sila sa US kamakailan. Tumanggi umano si Chua, kaya siya inirereklamo ni Taylor.

Ikinulong naman si Castro dahil sa umano ay pagwawala nito kagabi at pagpipilit na palayain si Chua dahil wala nga warrant of arrest na iprinisinta kaya maituturing na illegal ang pag-aresto sa kaniya.

Pero sa halip na pakinggan, ipinag-utos umano ng MPD Legal Department Head na si Atty. Dennis Wagas na ikulong si Castro, ang asawa nito at ang sekretarya sa Women’s section.

Maging ang mamamahayag na nag-cover ng insidente ay napag-initan din ng mga tuahan ng MPD.

Habang kinakapanayam ng Radyo Inquirer reporter na si Ruel Perez si Castro, pinilit itong palabasin sa MPD Women’s Section ng isang Major Arsenio Reparip.

Bagaman iginiit ng reporter na siya ay kumukuha lamang ng impormasyon, nagtaas pa ng boses si Reparip. Nagalit si Reparip ng kunin ng reporter ang kaniyang buong pangalan. Ani Perez, sinabi ni Reparip na “Hinarass mo ako, kinuha mo ang pangalan ko!”

Kalaunan ay humingi din ng paumanhin si Reparip kay Perez.

TAGS: ClaireCastro, MajorReparip, MPD, ClaireCastro, MajorReparip, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.