MRT muli na namang tumirik, mga pasahero pinababa

Dalawang beses tumirik ang tren ng MRT sa araw ng Sabado.

Batay sa report ng pamunuan ng MRT, halos kasisimula pa lamang ng operasyon ng naturang train system nang unang magpababa ito ng mga pasahero sa Boni Station.

500 mga pasahero ang pinababa 5:50 ng umaga dahil umano sa electrical failure.

Sinasabing lumang electrical sub-component ang pinagmulan ng failure.

7:41 naman ng gabi nang muling tumirik ang MRT sa Guadalupe Station at nagpababa ng 800 mga pasahero.

Electrical failure dulot pa rin ng lumang electrical sub-component ang dahilan ng pagtirik.

Para maserbisyuhan ang mga pinababang pasahero ay nagpadala ng skip train sa naturang istasyon.

Kapwa naman dinala sa depot ang mga nasirang tren para isailalim sa preventive maintenance. Pinalitan na rin ang electrical components ng mga ito.

Read more...