DSWD humihingi ng tulong para sa relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Vinta

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 04:41 AM

Naghahanap ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga volunteer na kanilang makakatuwang para sa isasagawang relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Vinta.

Ayon sa kagawaran, kailangan nila ng 500 volunteers na silang magsasagawa ng repacking ng mga relief goods sa National Resource Operations Center sa Pasay City mula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi araw-araw.

Apat na oras ang minimum na bilang ng oras ng serbisyong ibibigay ng mga volunteer at hinihikayat na dumating ang mga ito ng grupo-grupo.

Inaabisuhan rin ang mga volunteers na magdala ng sariling makakain at maiinom, at hanggat maaari ay ipinagbabawal ang pagsusuot ng tsinelas at maiikling damit.

Sa tala ng DSWD, 72,000 katao ang apektado ng bagyong Vinta sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Northern Mindano, Davao, at CARAGA.

Mahigit 50,000 mula sa naturang bilang ang pansamantalang nanunuluyan sa 211 evacuation centers.

Samantala, ayon sa gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na si Mujiv Hataman, ang probinsya ng Lanao del Sur ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala dulot ng bagyong Vinta.

12 sa mga bayan dito ang nakaranas ng mabigat na pagbabaha at pagguho ng lupa. Ito ay ang mga bayan ng Wato Balindong, Bubong, Madalum, Tugaya, Bacolod Kalawi, Madamba, Tamparan, Piagapo, Calanogas, Maguing, Poona Bayabao, at Ditsaan Ramain.

TAGS: dswd, VintaPH, dswd, VintaPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.