Bagyong papalapit ng bansa, lalo pang lumakas

By Dona Dominguez-Cargullo September 23, 2015 - 07:28 AM

Sept 23 7am Sat ImageLumakas pa ang bagyong binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang bagyo na may International name na “Dujuan” ay isa na ngayong tropical storm.

Ayon kay PAGASA Forecaster Aldczar Aurello, huling namataan ang bagyo sa 1,745 kilometers East ng Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers kada oras.

Nananatili sa 15 kilometers kada oras ang kilos nito sa direksyong West Northwest.

Sinabi ni Aurello na papasok sa bansa ang nasabing bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga at papangalanang Jenny. Pero maliit aniya ang tsansa na ito ay mag-landfall.

Sa ngayon hinahatak na ng nasabing bagyo ang habagat na naghahatid na ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Ilang araw ding mananatili sa loob ng PAR ang bagyo at inaasahang sa araw ng Linggo ay lalabas na ito ng bansa.

TAGS: TropicalStormDuJuan, TropicalStormDuJuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.