Alkalde sa Sorsogon, sinampahan ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan

By Rhommel Balasbas December 24, 2017 - 04:17 AM

Sinampahan ng kasong katiwalian sa first division ng Sandiganbayan si Mayor Helen de Castro ng Bulan, Sorsogon.

Ito ay dahil sa maanomalyang transakyon umano na isinagawa ng lokal na pamahalaan sa contractor ng isang bus terminal taong 2007.

Inaakusahan ng paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang alkalde kabilang sina Municipal Engineer Toby Gonzales Jr. at ang may-ari ng S.R. Baldon Construction and Supply na si Shirley Baldon.

Ayon sa reklamong inihain ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Maricel Quilates, nakipagsabwatan umano si De Castro sa contractor matapos nitong hindi pagbayarin ang bus company ng danyos sa delay na idinulot nito sa installation ng karagdagang 25kva transformer sa main terminal building.

Nagdulot anya ang maanomalyang transakyon ng perwisyo sa pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.