Bagyong Vinta lumakas ulit, bagyo posibleng maging isang typhoon
Posibleng maging isang typhoon ang bagyong Vinta bago ito lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong umaga o hapon.
Habang tinatahak ng naturang bagyo ang kanlurang direksyon sa bilis na 23kph ay lumakas pa ang hanging dala nito.
Sa huling weather bulletin ng PAGASA, tumaas sa 110kph malapit sa gitna ang lakas ng bagyong Vinta at may pagbugsong aabot sa 170kph.
Dahil sa patuloy na paglakas ng hangin ng bagyo ay inaabisuhan ang mga manlalayag sa southern seaboard ng Mindoro Provinces, at western seaboard ng Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi na hindi ligtas ang mamalaot sa mga dagat sa mga naturang lugar.
Huling namataan ang bagyo sa 355km timogsilangan ng Puerto Princesa o 410km timog, timogsilangan ng Pagasa Island, kapwa sa probinsya ng Palawan.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa katimugang bahagi ng Palawan at posible ring magkaroon ng daluyong o storm surge sa mga baybayin nito na may taas na 4.1 hanggang 14.0 meters.
Samantala, nakataas naman ang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Palawan. Mayroon ding posibilidad na magkaroon ng daluyong sa mga baybayin ng lugar at ito ay posibleng maging 1.25 hanggang 4.0 metro ang taas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.