Ayon sa ama ni Ica na si Rufino Policarpio, umalis ang anak bandang 11:30 ng gabi sa coffee shop at iniwan nito ang kanyang mga gamit, kabilang ang kanyang cellphone at laptop.
Sa pagpapatuloy ng paghahanap kay Ica ay ginamit naman ng mga celebrities ang kanilang social media accounts, partikular na ang Twitter at Instagram, gamit ang hashtag na #FindIca para ipalaganap ang tungkol dito at ipanalangin ang kaligtasan ng dalaga.
Kabilang sa mga nag-share sina Anne Curtis at asawang si Erwan Heussaff, Gretchen Ho, Camille Prats, Ciara Sotto, maging si Mega Star Sharon Cuneta, at marami pang iba.
Samantala, gumawa na ang Southern Police District (SPD) ng special task force para sa paghahanap kay Ica.
Para sa mga may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Ica, ay maari lamang na tawagan ang numerong 0917-894-6893.