Bagyong Vinta tumama na sa kalupaan ng Balabac, Palawan
Lumakas pa ang bagyong Vinta bagaman tumama na ito sa kalupaan ng Balabac, Palawan.
Sa huling weather bulletin ng PAGASA, mayroong lakas ng hangin ang naturang bagyo na 105kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 145kph.
Ito ay patuloy na gumagalaw sa kanlurang direksyon sa bilis na 23kph.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 2 sa katimugang bahagi ng lalawigan ng Palawan at posibleng magkaroon ng 4.1 hanggang 14.0 meters na taas ng storm surge o daluyong sa baybaying dagat ng southern Palawan.
Signal number 1 pa rin ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Palawan. Posible ring magkaroon ng storm surge sa mga baybayin na aabot sa 1.25 hanggang 4.0 meters.
Dahil dito ay nagpaalala ang PAGASA na hindi ligtas ang paglalayag ng anumang sasakyang pandagat sa Palawan, Mindoro provinces, western seaboard ng Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Inaasahan namang makakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Vinta bukas ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.