Dating Pangulong Noynoy Aquino nasa immigration lookout bulletin
Nag-isyu ang Department of Justice (DOJ) ng immigration lookout bulletin kaugnay sa Dengvaxia controversy.
Kabilang sa naturang listahan si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Nasa listahan rin sina dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad, dating Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., at dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin.
Kabilang rin sa immigration lookout sina Guillaume Leroy, Olivier Brandicourt, Ruby Dizon, Thomas Triomphe, at Carlito Realuyo.
Inakusahan sina Aquino ng gross inexcusable negligence dahil sa pagbili ng Dengvaxia, bagaman walang kasiguraduhan ang bisa ng naturang anti-dengue vaccine, maging sa kaligtasan ng mga mababakunahan nito.
Nasa mahigit 700,000 mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan ang binakunahan ng Dengvaxia sa ilalim ng programa ng DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.