Lalo pang lumakas sa 100kph ang bagyong Vinta habang patuloy nitong tinatahak ang kanlurang direksyon sa bilis na 22kph.
Sa huling abiso ng PAGASA, mayroong pagbugso ang naturang severe tropical storm na 135kph.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 255km timog, timogkanluran ng Puerto Princesa o 80km kanluran ng Balabac, kapwa sa probinsya ng Palawan.
Inaasahan naman ang pagtama sa lupa ng naturang bagyo sa Balabac ngayong gabi sa pagitan ng alas-10 hanggang alas-12 ng madaling araw.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa katimugang bahagi ng Plawan, habang signal number 1 naman sa natitirang bahagi ng naturang lalawigan.
Paalala ng PAGASA, hindi ligtas na maglayag ang kahit anong sasakyang pandagat sa dagat na sakop ng Palawan at mga lalawigan ng Mindoro.
Asahan na rin ang mga pagbaha at posibleng pagguho ng lupa sa Palawan, mga nalalabing probinsya sa MIMAROPA, Visayas, at Mindanao.