Metal fishing buoy rason ng paglubog ng MV Mercraft 3

By Justinne Punsalang December 23, 2017 - 09:02 PM

INQUIRER File photo

Naglabas na ng inisyal na report ang Maritime Industry Authority (MARINA) tungkol sa kanilang isinagawang imbestigasyon sa paglubog ng MV Mercraft 3 sa dagat na sakop ng lalawigan ng Quezon.

Batay sa report, nakatakdang maglayag ang naturang sasakyang pandagat alas-6:15 ng umaga ng December 21. Ngunit dahil sa sama ng panahon ay nabalam ang paglalayag nito.

Bandang alas-10 ng umaga nang habang lumalayag ang MV Mercraft 3 ay bumangga ito sa isang metal fishing buoy dahil sa ‘poor visibility.’

Nang inspeksyunin ng mga crew ang pinanggalingan ng malakas na tunog, nakita nila na binaha na ang lower tank ng naturang barko. Sinubukan ng mga ito na tanggalin ang pumasok na tubig gamit ang dalawang submersible pumps. Ngunit dahil sa matataas na alon, lalo pang napuno ng tubig ang bahaging ito.

Ayon sa report, lalo pang lumaki bang butas dahil sa pagbangga dito ng mga ‘unsecured crate cargo.’

Sinubukan pang imaniobra ang barko ngunit posibleng naiwang bukas ang manhole cover sa engine room nito, dahilan para pasukin ito ng tubig.

Bagaman humingi na ng tulong ang kapitan ng barko ay ipinagutos na nito ang pag-abanduna sa MV Mercraft dahil sa patuloy na pagpasok ng tubig sa engine room.

Dalawang oras matapos abandunahin ng mga crew at pasahero ang naturang barko ay dumating naman ang FBca Sharnicten-2 na sumagip sa mahigit isandaang pasahero.

Sa huling report ng Philippine Coast Guard (PCG), limang tao na ang naitalang namatay dahil sa paglubog ng MV Mercraft 3.

TAGS: MARINA, Maritime Industry Authority, mercraft 3, MV Mercraft 3, Quezon, MARINA, Maritime Industry Authority, mercraft 3, MV Mercraft 3, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.