Ulat na mahigit sa 100 ang patay sa bagyong Vinta hindi pa kumpirmado ayon sa OCD
Sinabi ng Office of the Civil Defense na maingat sila sa paglalabas ng bilang kaugnay sa death toll sa pananalasa ng bagyong Vinta sa Mindanao.
Ipinaliwanag ni OCD Spokesperson Romina Marasigan na patuloy pa rin sila sa pagtanggap ng mga impormasyon mula sa kanilang mga tauhan at ulat mula sa mga local officials sa mga lugar na sinasalanta hanggang sa kasalukuyan ng bagyon.
Nauna dito, sinabi ni Lanao Del Norte Gov. Imelda Dimaporo na posibleng umabot sa 90 ang bilang ng mga patay sa kanilang lalawigan dahil marami pa ang mga nawawala hanggang sa kasalukuyan.
Ngayong hapon ay umabot na umano sa 62 ang bilang ng patay sa kanilang lalawigan
Sa ulat naman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, umaabot na umano ang bilang ng mga patay sa mula sa iba’t ibang mga lugar sa rehiyon.
Kaninang hapon ay isinailalim na rin sa State of Calamity ang mga lalawigan ng Lanao Del Sur at Lanao Del Norte.
Nagtutulong-tulong na rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para hanapin ang mga nawawalang biktima ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.