Mga empleyado ng PCSO, apektado sa paninira sa kanilang ahensya

By Jan Escosio December 23, 2017 - 07:51 AM

Mababa ang morale ngayon ng mga kawani ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bunsod ng paninira ng kanilang sariling board member na si Sandra Cam kaugnay sa kanilang Christmas party sa EDSA Shangri-La.

Ito ay ayon mismo kay PCSO Chair Jose Jorge Corpuz.

Bukod pa dito, ayon kay Corpuz, sinisira na ni Cam ang kanilang ahensiya.

Naniniwala rin si Corpuz na dahil sa isyung ito ay maaaring mabawasan ang kita nila sa Small Town Lottery o STL.

Kaugnay pa nito, tiniyak ni Corpuz ang kanilang kahandaan na sumalang sa lahat ng gagawing imbestigasyon sa kanilang Christmas party.

Giit nito makatuwiran naman ang ginasta nilang P6 milyon sa party para sa nasa 1,500 na empleyado ng PCSO na aniya’y puspusang nagtrabaho para sa ikatataas ng kita ng ahensya.

Una nang ibinuinyag ni Cam na inabot umano ng P10 milyon ang halaga ng ginastos para sa nasabing Christmas party.

Tiniyak naman ng opisyal ang lahat ng kanilang ginasta ay may mga resibo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.