Bagyong Vinta, bahagya pang lumakas habang tinatahak ang Sulu Sea

By Rhommel Balasbas December 23, 2017 - 06:47 AM

Bahagya pang lumakas ang bagyong Vinta habang binabagtas ang karagatan ng Sulu.

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 165 kilometro Hilagang-Kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Kumikilos pa rin ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Nananatiling nakataas ang Southern Palawan sa storm signal number 2.

Samantala ang mga sumusunod na lugar naman ay nakataas pa rin sa signal number 1:
Nalalabing bahagi ng Palawan
Kanlurang bahagi ng Zamboanga del Norte
Kanlurang bahagi ng Zamboanga del Sur
at Zamboanga Sibugay

Ayon sa weather bureau, asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa lalawigan ng Palawan.

Mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga baybayin sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng Storm Warning Signals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.